Top 6 dahilan ng GF-BF Break Up!

Isang survey po ang ginawa online para malaman kung bakit nakikipag Break Up ang mga babae sa kanilang Boyfriend.  Ang survey ay sinagutan ng 100 Online female readers po ng Kissadvice.

6.  Tamad - Yap, pang anim po. Marami sa mga kababaihan ngayon na nagagalit kung medio may lahi ni Juan Tamad ang kanilang karelasyon.  Paano nga naman kinabukasan kung ganito si mahal!

5. Hindi na Mahal ni GF si BF - Paano pa kaya gagana ang isang relasyon kung iisa na lang ang nagpapatakbo? Kawawa naman kung magpapaasa pa - kaya marami ang nagkakahiwalay kasi si Girl nakakaramdam na ng kawalan ng pagmamahal o mas masakit e yung may minahal ng iba!

4.  Sinungalin - Ang ugali na kakambal ng kayabangan at kalokohan.  Dito umuugat ang mga pagaaway at panloloko sa GF.  Marami talaga, as in marami! kasi sa simula pa lamang paasahin ang Girl para mapasagot na ang tanging sinsabi sa simula ay puro kasinungalinangan pala!

3. Ayaw ng Magulang - Parang istorya sa Libro! Opo uso pa din ang ganitong eksena na ayaw ng magulang o minsan ayaw ng barkada mo sa karelasyon mo.  Wala ka namang magawa minsan kasi sa totoo lang tama sila!

2. Mabisyo - Alak, barkada at sigarilyo ang parating kalaban ni GF! puede mo na din isama ang DOTA sa bisyo.  Ang hirap talaga minsan makipagunahan sa mga priorities at oras!

1. Two Timer si Lalaki - Buti may Facebook! ang daming nabubuko online sa pagiging babaero ng guy.  Yap, Facebook ang isa sa dahilan ng paghihiwalayan at dito din maraming nabubuking! Kaya kung babaero  ka, siguraduhin mo lang na wala kang Facebook para walang mag Wallpost o Mag Tag ng picture mo! :-)

Hay buhay, ganito talaga.  Kailangan mo minsan masaktan para matutunan ang tama.  Sa susunod naman po na article, pagusapan natin ang mga reasons kung bakit nakikipag hiwalay si BF sa kanyan GF.

Para sa FREE Tips, sign up ka na!

Enter your email address:
Delivered by FeedBurner


Image: Simon Howden / FreeDigitalPhotos.net

Need More Tips?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites